Ang tuyo ay isdang tawilis na kanraniwang nagmumula sa lawa ng taal, Ito ay pagkaing tinuyo o ibinilad ng ilang araw para mapanatili ang kasariwaan nito bago kainin.
Bagaman maaari ring tuyuin ang pusit, galunggong, dilis, sapsap. tonsoy, lapad, espada o anumang isda na naroroon sa isang partikular na lugar.
Ang tuyo ay madalas na ihain sa almulsal ng mga pilipino dahil sa kakaibang linamnam at alat na panlasang naayon sa mga pinoy.
Ito ay madalas na inihahain kasama ng sinangag na maraming bawang na may kasamang kamatis at itlog. Ngunit ito rin ay ipinapares sa champorado lalo at tuwing umuulan.
Pero sa ngayon, masasabing ang tuyo ay hindi na lamang pang almusal, ngunit ito rin ay inihahain na rin maging sa tanghalian at hapunan, dahil na rin sa pagbabagong panlasa ng mga pinoy, ganagamit na rin ang tuyo bilang lahok sa pasta..