Martes, Disyembre 2, 2014


   Ang Ilokos ay kilala dahil sa kanilang masarap na Pinakbet na sinangkapan ng bilog na talong,okra, maliliit na ampalaya,sitaw, kalabasa o kamote at bagoong isda.

  Maari ring sahugan ng hipon upang lalong maging malinamnam.

  Sa Vigan,Ilocos Sur ito ay sinasahugan pa ng hiniwang bagnet (ang lechon kawali ng mga Ilokano).

  Ang Pinakbet ay ang tradisyonal na pagkain ng mga Ilokano.at sinasabing hindi maaaring mawala sa hapag kainan.
  Ang Laing ay isang uri ng pagkaing Pilipino na kinasasangkapan ng pinatuyong mga dahon ng gabi na niluto sa gata at tinimplahan ng bagoong, tumatagal ng 5 minuto and pagluto ng laing.

  Upang maging higit na masarap ang laing, nilalahukan din ito ng iba't-ibang sangkap tulad ng tinapa, hipon at kung minsan ay liempo ng baboy at siling labuyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento